|
|
NA PILIPINAS
REGIONAL CONVENTION
February 12-14, 2010 Subic Bay, Philippines |
24
hour Help line [Call or SMS]
+63 917 9477345

August 20-23, 2009
Barcelona, Spain
| |
Sino, Ano, Paano at Bakit?
IP
No.1-TA
Limbaging panibago mula sa Puting Aklat Narcotics Anonymous, Bagong
Panibago
Sino
ang adik?
Karamihan sa atin ay hindi na kailangang magdalawang isip tungkol sa tanong.
ALAM NA NATIN! Ang buong buhay natin at pag-iisip ay nakasentro lang sa
droga at iba't ibang paraan - ang pagnanasa, ang pagkalulong, ang paghahanap
para laging mayroon. Nabuhay tayo sa bisyo at ang paggamit ng droga ang
naging buhay natin. Sa madaling salita ang adik ay isang lalake o babae na
kontrolado ng droga. Tayo ay mga taong dumadanas ng walang hanggang
paghihirap sa malubhang karamdaman na ang ikakahatnan ay piitan, institusyon at
kamatayan.
Ano
ang programa ng N.A.?
Ang
N.A. ay isang walang pinagkakakitaang samahan o lipunan ng mga lalake o babae na
nagdadanas ng malaking suliranin sa droga. Kami ay mga gumagaling na adik
na malimit magpulong upang magtulungan na mapanatiling kami ay maging malinis.
Ito ay isang programa na makakapigil sa paggamit ng kahit ano mang droga.
Iisa lamang ang hinihiling upang maging kasapi, ang pagnanais huminto sa
paggamit ng droga. Iminumungkahi namin na ibukas ang inyong mga kaisipan
at bigyan pag-asa ang inyong sarili. Ang aming programa ay binubuo ng
simpleng prinsipyong kasulatan na madaling gamitin sa ating pang araw-araw na
gawain. Ang pinakamahalaga ay epektibo ito.
Walang
mahigpit na patakaran sa N.A. Hindi tayo kaugnay ng anomang organisasyon,
walang babayaran, walang kasulatang pangako kahit kanino man. Wala tayong
kaugnayan sa ano mang partido politikal, relihiyon o grupo ng gobyerno.
Walang nagmamatyag sa atin sa ano mang oras. Ito'y bukas sa lahat, maging
anong gulang, lahi, katauhan, may pananampalataya o walang pananampalataya.
Kami
ay walang pagnanais na malaman kung ano o gaano ang iyong paggamit o ang iyong
mga kasapi. Ano man ang iyong nakaraan, malaki o maliit man ito. Ang
pangunahing pakay ay tungkol sa iyong suliranin at kung paano kami makakatulong
sa iyo. Ang mga baguhan ang pinakamahalagang tao sa ating pagpupulong,
kadahilanang kami ay makakapagkupkup lang kung ito'y maipapamahagi.
Napagalaman namin sa samahan, na ang ating karanasan at walang patid na
pagdadalo sa ating pagpupulong ay napapanatiling malinis.
Bakit tayo narito?
Bago
tayo sumapi sa samahang N.A., hindi natin kayang pangasiwaan ang ating sarili.
Hindi natin kayang mamuhay at ikatuwa ang buhay kagaya ng ibang tao.
Kinakailangan natin ang ibang pamaraan na ang ating buong pag-aakala ay nasa
droga. Ipinagpalit natin ang paggamit sa kapakanan ng ating pamilya, asawa
at mga anak. Pangunahing alituntunin natin ang droga. Marami tayong
nasaktan, higit sa lahat ang ating sarili. Hinggil sa ating kakulangan na
tanggapin ang responsibilidad, gumagawa tayo ng sariling problema. Dahil
sa ating kabulagan na tanggapin ang buhay na pinagkaloob.
Marami
sa atin naikasatuparan ang ating adiksyon unti-unti tayong nagpapakamatay,
ngunit ang adiksyon ay isang tusong kaaway ng buhay. Tayo ay nawawalan ng
kakayahan na sugpuin ito. Marami sa atin ay nakulong o nagpagamot sa
doktor o psychiatrist o bumaling sa relihiyon. Hindi naging sapat ito.
Ang ating sakit ay laging nagpatuloy hanggang sa kawalan ng pag-asa, humingi
tayo ng tulong sa samahang N.A.
Pagkasapi sa N.A., natuklasan natin na tayo ay may karamdamang tao, nagdudusa sa
sakit na walang lunas. Subalit ito'y kayang sugpuin sa ilang mga bahagi at
ang paggaling ay posible.
Paano ito magagawa
Kung
maibigan ninyo ang aming inaalok at masigasig kayong susunod, kung gayon handa
na kayong sumunod sa mga hakbangin. Ito ang prinsipyo iminumungkahi sa
nagsisilbing gabay tungo sa paggaling.
-
Inamin natin na wala tayong kapangyarihan upang labanan ang ating adiksyon na
ang buhay natin ay gumulo at hindi kayang mapangasiwaan.
-
Dumating tayo sa paniniwalang may makapangyarihang higit sa ating sarili na
makapagbabalik sa ating katinuan.
-
Buong puso natin na ibinibigay ang ating kalooban at buhay sa pamamahala ng
Diyos ayon sa pagkakaunawa natin sa Kanya.
-
Gumawa ng pananaliksik at walang takot na pagsusuri sa ating kaugalian.
-
Inamin natin sa Diyos, sa ating sarili at sa iba pang tao ang likas ng ating
kamalian.
-
Lubos na pumayag tayong ipaalis sa Diyos ang ating mga maling kaugalian.
-
Lubos na pakumbaba nating hiniling sa Kanya na alisin ang ating mga
pagkukulang.
-
Gumawa ng mga listahan ng mga taong ating nasaktan at naghandang
makipagkasundo sa kanilang lahat.
-
Nakipag kasundo sa mga taong naatraso hanggat maaari, maliban lang kung lalong
makakasakit ito sa kanila o sa iba pa.
-
Ipinagpatuloy ang pansariling pagsusuri at kung nagkamali agad-agad inamin
ito.
-
Naghanap sa pamamagitan ng panalangin at pagmuni-muni na lalong mapalapit ang
ating kalooban sa Diyos ayon sa pagkakaunawa natin sa Kanya, nagdadasal para
sa kaalaman ng Kanyang Kalooban para sa atin at kapangyarihan para sa
maisagawa ito.
-
Nagkaroon tayo ng ispiritual na pagkamulat dahil sa mga hakbang at sinubukang
dalhin ang mensahe na ito sa iba pang mga adik at isinagawa ang mga
prinsipyong ito sa ating araw-araw na pamumuhay.
Ang
mga hakbang ay napakalawak at mahirap maisakatuparan agad. Alalahanin
natin na hindi tayo naging adik sa loob lamang ng isang araw - kaya dahan-dahan
lamang.
May
isang bagay pang makakahadlang sa ating paggaling, higit sa lahat ang
pagwawalang-bahala o di pagsunod sa mga prinsipyong ispiritual. Tatlo rito
ang pinakamahalaga: 1) katapatan 2) bukas na pag-iisip at 3) pag-nanais.
Sa mga ito ay nasa wastong daan tayo. Mararamdaman natin na ang pagsugpo
natin sa sakit na adiksyon ay makatotohanan, sapagkat ang pagtutulungan ng
parehong adik ay walang katumbas sa pag-agapay. Sa aming pakiramdam,
praktikal ang ating paraan, dahil ang kapwa adik ay mas nakakaunawa at
makakatulong sa kapwa adik. Naniniwala kaming mas maagang harapin natin
ang ating problema sa ating lipunan sa pangaraw-araw na buhay, mas maaga tayong
matatanggap at magiging responsable at mabungang miyembro ng lipunan.
Ang
tanging paraan para huwag bumalik sa adiksyon ay huwag titikim muli. Kung
tayo ay katulad namin, dapat alam ninyo na isang pagtikim ay napakarami na at
ang libo-libo man pagtikim ay hindi sapat.
Pakatandaan natin ito, dahil alam natin na pag sumubok tayong muli hahanapin
nating muli. Nilalagyan natin ng malaking importansya ito, sa dahilan na
alam natin na kapag gumamit muli tayo ng droga sa anumang paraan ay binibigyan
daan natin ang adiksyon masimulan muli.
Sa
pag-aakala na ang alkohol ay naiiba sa ibang droga ang nagiging malaking dahilan
upang bumalik ang maraming adik sa dating gawain. Bago tayo sumama sa N.A.
akala natin ang alkohol ay kakaiba. Dapat nating maunawaan na droga rin
ito. Tayo ay taong may sakit na adiksyon na kailangan umiwas sa lahat ng
droga upang gumaling.
Ang
12 kaugalian ng N.A.
Ang
mga natutuhan natin ay pakaingatan na, na kagaya ng kalayaan ng isang tao na
galing sa 12 hakbang - gayon din ang kalayaan sa grupo ay galing sa kaugalian.
Habang
matibay ang ating pagkakaisa kaysa sa mga bagay na makakapagpapahina sa atin,
tayo ay matagumpay.
-
Ang
pangkalahatang kapakanan ang ating pangunahing adhikain, ang pangsariling
kagalingan ay nakasalalay sa pagkakaisa ng N.A.
-
Sa
kapakanan ng ating samahan, ating kinikilala na mayroong isang tanging
kapangyarihan - ang Diyos na mapagmahal na nagpapahayag ng kanyang sarili sa
konsensya ng grupo. Ang aming pinuno ay pawang mapagkakatiwalaan ng mga
tagapag-lingkod at hindi sila ang nag-uutos.
-
Ang
pagnanasang huminto sa paggamit ng droga ang tanging kailangan upang maging
kasapi ng N.A.
-
Ang
bawat pangkat ay dapat na nagsasarili, maliban sa mga bagay na may kinalaman
sa ibang pangkat o sa kabuuan ng N.A.
-
Isa
lamang ang pangunahing layunin ng bawat pangkat - ang maibahagi ang mensahe sa
adik ng nagdudusa pa.
-
Ang
ano mang pangkat ng N.A. ay hindi nararapat na makisama sa pagpapakilala o
pasusulong ng ano mang gawaing labas sa adikhain ng N.A. sa dahilang baka ang
ano mang suliraning may kinalaman sa salapi, pag-aari, o prestihiyo o
katanyagan ay maging dahilan upang mawala ang ating isip sa ating pangunahing
misyon.
-
Ang
ano mang pangkat ng N.A. ay dapat na umaasa sa kanyang sarili lamang at
tinatanggihan ang ano mang kontribisyon mula sa labas.
-
Ang
N.A. ay dapat na manatiling hindi propesyonal, ngunit ang aming service center
ay maaaring kumuha ng mga natatanging manggagawa.
-
Hindi kinakailangang organisado ang N.A., gayon pa man ay maaari itong
magkaroon ng mga lupon na mangangalaga sa mga taong kanilang pinaglilingkuran.
-
Hindi dapat makaroon ng kaisipan/opinion ang N.A. sa ano mang bagay na labas
sa adhikain nito upang maiwasan ang masangkot ito sa ano mang pang publikong
pagtatalo.
-
Ang
ating patakaran sa pakikipag-ugnayan sa publiko ay batay sa pang-aakit at
hindi sa pagpapalaganap, upang magkaroon ng pang-sariling anonimidad sa
larangan ng mga pahayagan, radyo, at pelikula.
-
Ang
pagkakaroon ng anonimidad ang ispiritual na batayan ng ating mga kaugalian na
siyang nagiging tagapagpaalaala sa atin na isaalangalang ang prinsipyo bago
ang mga personalidad.
Labindalawang Hakbang at Labindalawang Kaugalian nilathala para sa pamamagitan
ng pahintulot ng A.A.World Services, Inc.
This is
Fellowship approved literature. Copyright © 1995 by World Service Office,
Inc. P.O. Box 9999 Van Nuys, CA 91409 USA All rights reserved
|