BATIBOT MUSIC ARCHIVE

Kaibigan Ko ang Buong Mundo

Lyrics by: Augie Rivera
Music by: Louie Ocampo

Ikaw at ako ay magkapantay
Magkaiba man ang anyo at kulay
Masaya ako't kaibigan kita
Saan mang dako'y isasama ka.

Malayong lupain, ating mararating
Tao, hayop, tanim aalamin natin
Itatanong ko: "Anong iyong pangalan?
Ako ang iyong bagong kaibigan!"

REFRAIN
Ikaw man at ako, may pagkakaiba
Magkasundo at magkakilala
'Sindami ng bituin ang kaibigan ko
Kaibigan ko ang buong mundo.

(Repeat Refrain)
Kaibigan ko (4x)
Ang buong mundo!

back